paalam mahal kong pluma at tinta.. hindi ko alam kung kailan tayo muling magkikita at magkakasama, pero sa ngayon hayaan mo munang ako ay mapag-isa.
pagsulat. ang lagi kong kasama.
i will never forget when i first constructed my first real sentence, my teacher told me that someday, im gonna make myself a good writer.
i was the associate editor of my school paper when i was in elementary and at the same time, adjudged the writer of the year.
i was a part of the editorial board in highschool, i wrote the best research paper that year, i was declared the essayist of the year, and i made my school proud in the various essay writing contests ive joined. i am the opinions editor.
i wrote pornography, more than just what is visible to the eye. the best research paper.
i wrote Klasrum, a 2005 CMMAnominee for Best Student Documentary.
sa sulat ko unang nasabi sa mga magulang ko na mahal na mahal ko sila.
sa isang tula ko nasabi sa unang pag-ibig ang nilalaman ng aking puso.
pluma at tinta ang aking paraan upang kahit paano, malaman ng mga taong mahal ko ang nararamdaman ko.
dahil sa pagsulat ko, kasama ko ang mga taong hanggang ngayon ay sinusulatan ko.
pagsulat lang ang tanging karamay ko, sa tuwing hindi sapat ang mga luha at hinagpis upang mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. papel lang ang katapat ko at kapag naibuhos ko na sa kanya lahat, kaya ko ng muling tignan ang bukas.
naniniwala ako na sa pagsulat, alam kong kahit paano, kilala ko ‘to at kayang kong ipagmalaki na hindi ako nagpapahuli dito.
pero ngayon, masakit man, pansamantala kong itatakwil ito. mapaghilom lang muna sana ng panahon ang sugat na dulot ng tabak na hanggang ngayo’y nananatiling nakatarak sa aking puso. maalala kong sa kabila ng isang pagkakataon na naging daan ang pagsulat upang ako ay lumuha, libong beses kong naging sandalan ang tangi kong tapat na kaibigan. ilalaglag muna kita, para kahit paano makapagtira ako sa sarili ko. babalik ako kapag handa na kong magsulat muli. Darating din un, pero matatagalan siguro.
sa bawat pagbati ng ilang mga taong nakakabasa ng aking mga sinulat, natutuwa akong magsulat muli, dun man lang sigurado akong nakakatulong sa ibang tao.
patawarin nyo ako, hindi pa muna. ayoko pa.
‘ge, ilang sulat ba ang nagawa ko para sau? nagsimula at natapos ang pagkakaibigan natin na nagsusulatan.
dchi, ilang oras ba ang ninanakaw natin, makasulat lang tau sa isa’t-isa?
3sya, ilang luha na ba ang naiyak ko, mabuo ko lang ang ating kwento?
c, ilang papel ba ang pinunit ko, bago mabuo ang tula ko para sau?
k, ilang papel pa sana ang sasayangin ko, masulat lang ang awit mo, pero malabo na un.
Klasrum, akala mo ba hindi ako nahirapan sa pagsulat sau? Buong buhay kitang inisip. habang hinuhubog kita, alam mo bang halos mamamatay ako kakaisip ng mga tamang salitang nararapat para sau at sa mga taong inspirasyon ko? Kung kinailangang ibenta ko ang aking kaluluwa upang matapos ka at makagawa ka ng paraan upang mapagbago ang sistema, alam mo bang handa akong gawin un? Ilang gabi mo din akong hindi pinatulog, at ngayong kahit paano napansin ka na nila, malas mo, patay na ang lumikha sau.
the writer in me, has died.
sana masaya na siyang nagpatalo ako at napatay nya ako. hindi man ako mawala, wala na ang tinta na para ko nang dugo, ang mga salitang halos hininga ko. alam kong mali ito, pero anong magagawa ko, ito ang sigaw ng damdamin ko.
pagsulat, nahusgahan ka na ba ng wala kang malay at wala kang laban? naramdaman mo na bang pagbintangan ng bagay na hindi mo ginagawa? Naranasan mo na bang kahit gusto mong lumaban, hindi mo ginawa dahil alam mong wala kang karapatan?
pero susulat pa din naman ako. kung para lang sa mga tungkulin ko sa aking mga aralin. pero pasensya, hindi ko na sa iyo ilalabas ang masasayang alaala ko, hindi na din ikaw ang unang iiyakan ko, hindi na tayo magkasama sa tagumpay na maaari nating marating.
para sa nagsulat nito, mula kay pagsulat: napakahina mo. bakit ka nagpatalo? wala ka talagang kwenta, hiniyaan mong tulad lang nya ang magpawalay sa ating dalawa. iniwan ba kita? kung sinasabi mong ipinahamak nga kita, wala na sa kamay ko ang takbo ng isip nya! ganun ka na ba katanga para magpaapekto? masanay ka na, ilang ulit ka ng nasaktan, nasaktan ng ibang taong mas may karapatang saktan ka, pero lumaban ka. ngayon, isang taong ni hindi mo sinulatan, nagpatalo ka? nilaglag mo na ko, hinayaan mo pang mapatay ka. hoy, wala pang dumadanak na dugo sau! huwag kang aasa na kapag handa ka ng magsulat muli ay nandito pa rin ako, sisikapin kong manatili pero hindi ako nangangako. makasarili ka talaga, kung akala mo sarili mo lang ang pinatay mo, apektado ang mga taong umaasang maliliwanagan sa bawat obrang sinusulat mo.
nasasaktan din ako tulad mo, pero pluma at tinta, igalang mo ako.
curtain call.