Archive for August, 2005

cadeau

Monday, August 29th, 2005

akala ko mawawala sya. natakot ako, takot na takot ako. parang bata na nagtatago sa mga katotohanan ng mundo. mahina ako, at inaamin ko na sa kanya ko kinukuha ang lakas ko.

sana, kung pwede, lagi sya sa tabi ko, para hindi ko malimutan na may dahilan pa ang pagkabuhay ko sa mundong ito. para lagi kong maalala na kasabay ng kalungkutan ko, may isang taong lumuluha kasama ng mga hinagpis ko. at may isang tao na handa pa ring yakapin ako, kahit alam naming dalawa na pagkakamali ko.

eto na yata ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. yung araw-araw, may nakikita akong dahilan para gumising, para bumangon.

sa bawat dasal na sasambitin ko, sa pagsamo bago kumain kung saan ipagpapasalamat kong siya ang kasalo ko, sa bawat panalagin na nagpapasalamat dahil nakauwi siya ng maayos at bukas, magkikita uli kami , sa pagdalangin ko bago matulog, na nagpapasalamat na siya ang kalapit ko, kasama ang pangako na kung kailangang pagmasdan ko siya sa kanyang paghimbing upang hindi siya bawiin ng Maykapal, gagawin ko. at sa pagpikit ng aking mata, may isa pang munting kahilingan na kahit sana sa panaginip, kami ay magtagpo.

hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa darating na panahon, pero saksi ko ang mundo, pinapangarap kong sana, sa aming dalawa, wala pa ring nagbago. kung meron man, sana ay higit pang maging matibay ang aming pagkakaibigan.

sana nalabhan na si grasa. sana may oras na kaming gawin ang napakaraming bagay na gusto naming mangyari. sana tapos nang sulatan ang green book at tapos nang iguhit ang story book. sana medyo mataba na siya at ako, wala ng ubo. sana nakakatulog na kami ng mas mahaba. sana hindi na siya mawalan ng telepono para hindi ko hanap-hanapin. sana hindi na ako magdrama ng open at close. sana handa pa din siyang makinig sa lahat ng mga hinanakit ko sa mundo, at pati na rin sa mga kalokohan ko. sana matapos na namin ang short story ni marinelle laxa, sa creepy convent, kung saan namigay sya ng paper plate na may dahon ng saging sa ilalim nito. sana kakain pa kami ng agahan sa mcdo.

sana andyan pa din c elmo at c astroboy.

sana matatawag ko pa din syang mommy at baby.

at sana, the scratching process never ends.

kung siguro ganito, wala na kong mahihingi pa sa mundo.

beyond control

Saturday, August 13th, 2005

too busy.. the last time i wrote for this was a month ago, a lot already happened.

school. it was a roller coaster ride with all the new assignments and tasks i need to accomplish, midterms are over, and i hope to get positive result this week. we’ll start theatre production and i hope, i really really do hope that i do give justice to being a stage manager. then campus radio, ha, saya.. its cool, with all the pressure and its cold in the studio. ms pam asked me to facilitate a focus group discussion, ms cabailo asked me to join ec com.. mcrae asked me to be his assistant..

life, life itself. its been quite good, actually, very very good, janie learned this skill to smile even though its not worth smiling and to just shut up so as not to cause pain to others. one thing cool, i have learned to ignore rumors. yes, there are a lot of rumors lately. that me and a good friend are into a romantic thing.. funny how life can really get!

cadeau. my strength. would not last this long without cadeau.

im planning for a lot of things and i hope to accomplish them on time, its just that sometimes, there are things beyond human control and we have to let go because of that.

im all good. im fragile. but im happy. im hurting, so much, so much its already bleeding, but im happy.